READ BETWEEN THE LINES

Posted by iistelaloo♥ on Mar 18, '08 5:48 AM for everyone

Enjoy ang day na to.. nag-bonding kasi kami ni lola! hehe! she shared me lots of stories about my cousins, at siyempre stories tungkol sa akin. :)

Sabi ni Lola, sobrang likot ko daw nung bata ako, samantalang yung pinsan ko(Kyra),sobrang tahimik lang daw, mabait daw. haha! anong magagawa ko? eh sa malikot talaga ko. Sabi pa niya.. tatakbo pa daw ako ng comfort room dala dala ko yung pale dipper(tabo) tapos maglalaro daw ako ng tubig. ang dami kiyang kinuwentong kakulitan ko nung bata pa ako.

Lagi ko daw pinapaiyak si Kyra,--haha! Tapos, ungal daw ako ng ungal kapag aalis si lolo. Mas malapit daw ako kay Lolo kaysa sa kanya. Tulog na nga daw ako sa tabi niya, tatayo pa daw ako para lumipat sa tabi ni Lolo.

hmm.. ang nakakatuwa naman dun, sa lahat daw ng apo niya, ako daw pinaka-maaga magising! haha! early bird pa ako sa lagay na to!. Sa mag-pipinsan daw, ang pinaka-late tumayo sa higaan ay si Ate Bodie(Mary Celine--real name ni ate Bodie).Si kuya Chase(Paolo Antonio--real name ni kuya chase) naman, everytime na iiwan siya ng mommy niya, iyak daw ng iyak. Si kyra pinaka mabait daw.(weeh!! haha! mabait din naman ako ah??).

Ayun, kinuwento din niya.. pag sinasama daw ako sa grocery ni mama, habang namimili si mama ng bibilin niya, bigla daw akong nawawala, pagkatapos, kukuha ng sarili kong basket and kukuha ng favorite jellyace ko. haha! alam ko din daw kung ano yung gatas na iniinom ko.

pag may sakit daw ako, jollibee lang daw katapat ko. Kunyari magaling na kahit hindi pa.

haii.. nagawa ko lahat yun??? haha! ano pa kaya yung ibang di ko alam??


Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help