READ BETWEEN THE LINES

Posted by iistelaloo♥ on Feb 26, '08 11:09 PM for everyone

Katuwa itong araw na ito! haha! 2 hamburger ba naman nakain ko!--i'm so full!

Nagawa ko pa ngang mag-burp infront of my classmates ng hindi sinasadiya.

Tinawanan pa ako ni Anel. haha! Grabe, biniro pa kami ni Dana nung dalawa naming classmates.. nag-semi finals na daw sila.. medyo kinabahan ako kasi absent ako last meeting sa psychology subject. Sabi ko.. "barbero naman kayo eh, hindi nga?? nag-test ba talaga kayo??".. sabi ni Mcdo: "Oo nga! tanong mo pa kay Chinnie!".

Grabe! nung tinanong ko si Anel, sabi niya, nag-test na daw sila.. kami na lang daw ni Dana hindi nag-eexam. Paglabas ko ng room kasama si Anel, tumatawa siya.. joke lang daw yun.

haha! salamat naman akala ko nag-exam talaga!. maya-maya.. nag'text si Sir Vince..

sabi niya: "Guys, i'm sick, sorry we have no class today". Haha! yung iba sa amin tuwang-tuwa! kasama na ako dun! haha! si Chinnie naman medyo nainis yata. Sabi niya: "Ano ba yan! pumasok pa ako ng maaga wala naman palang klase. Haha! nakakatuwa muka niya kanina! di mo malaman kung magsasaya ba siya o maiinis.

Tapos, nag-suggest si Anel na uminom na lang daw.. sa isip-isip ko, ano ba yan, umagang-umaga inom agad iniisip.. buti na lang naiba plano nila.. gateway naman daw.. gala na lang. Kala ko matutuloy, mga K.J. naman yung iba, yung isa mag-iinternet na lang daw siya, yung isa, pupunta sa Becky's[isa pang tambayan ng ilang Trinitian], at ko.. ganun din, humilay sa kanila para mag-internet. haha!

mamaya lang.. magpapa-haircut ako. Godluck na lang sa akin. Sana bumagay! hehe!


Add a Comment
   
© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help